Nauwi sa krimen ang inuman ng dalawang lalaki sa Lagangilang, Abra. Ang suspek, dating overseas Filipino worker.

Sa ulat ni CJ Torrida sa GMA Regional TV "One North Central Luzon" nitong Miyerkules, kinilala ang biktima na si Edcel Mangna, 39-anyos, isang magsasakay sa Barangay Cayapa.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang nakatakas na suspek na si Servando Guerrero, 39-anyos, dating OFW.

Ayon sa pulisya, posibleng napikon umano ang suspek sa pangungulit ng biktima.

Nagtamo ng mga tama ng bala mula sa kalibre .45 na baril ang biktima.

Hustisya ang panawagan ng mga kaanak ng biktima.--FRJ, GMA Integrated News