Kinabibiliban ngayon ang isang 3D artist at music producer matapos siyang gumawa ng animation video na inspired sa sikat na  series na Game of Thrones para sa Sinulog Festival sa Cebu.

Sa ulat ni Mark Salazar sa "State of the Nation", kinilala ang gumawa ng naturang 3D animation video na si Rayver Carlisle Tabanera, na isang certified fan din ng Game of Thrones.

Ayon kay Tabanera, siya raw mismo ang nag-arrange ng version na ito ng iconic Sinulog theme song.

“So ever since 2017 I’ve been teaching myself how to make music. I’ve seen a lot of similar videos, Game of Thrones inspired videos on YouTube but for different cities, different continents. But I wanted to make something similar for Cebu,” aniya pa.

Isang taon pa lang nag-aaral si Tabanera ng 3D animation pero kinabibiliban na raw ito.

Kuhang-kuha ang bawat detalye ng mga sikat na landmark sa Cebu tulad ng Magellan’s Cross, Basilica Minore del Sto. Niño De Cebu, at maging ang imahae ng Senyor Sto. Niño.

Mahigit tatlong linggo niya raw itong ginawa at sobrang inspired daw siya dahil tulad ng Westeros sa Game of Thrones, mayaman rin sa magagandang tanawin ang Cebu.  —Mel Matthew Doctor/NB, GMA Integrated News