Nag-viral sa social media ang video kung saan nakunahan ang away ng dalawang babae sa isang plaza sa Iloilo.

Sa video ng GMA Regional TV One Western Visayas, na inilabas ng Unang Balita nitong Biyernes, makikita ang pagsasabunutan at pagsasakitan ng dalawang babae sa plaza sa Calinog, Iloilo.

Napahiga pa sa plaza ang dalawa habang nagsasabunutan. Halos mahubaran na ang isa sa kanila.

Nabigo ang mga sumubok na awatin ang dalawa, at natigil ang away pagdating ng mga rumespondeng pulis.

Ayon sa pulisya, problema as pamilya ang sanhi ng away ng dalawang babae.

"After nito, ipinatawag sila dito and they agreed to settle the dispute. Actually, magpamilya naman sila, they are second cousins," pahayag ni Police Maj. Dadje De Lima, hepe ng Calinog Municipal Police Station. —LBG, GMA Integrated News