Patay ang isang minero sa bayan ng Aroroy, Masbate na nabagsakan ng malaking bato habang naghuhukay sa loob ng minahan.

Sa video ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia, na inilabas ng Unang Balita nitong Biyernes, makikitang tulong-tulong ang mga residente upang mailabas ang mga labi ng biktima na si Ricky Ramilo mula sa minahan na may lalim na halos 40 talampakan.

Kwento ng pinsan ni Ramilo, nabagsakan ng malaking bato ang biktima habang naghuhukay.

 

"Tinulungan ko pa siya, kaso hindi ko kinaya. Umakyat ako upang manghingi ng tulong," pahayag ni Sonny Rico, pinsan ng biktima.

Nagluluksa ang pamilya ni Ramilo.

"Gusto ko sanang matulungan kami kasi ang gusto niya mapaayos namin ang bahay namin," pahayayg ni Felipa Verno, ina ni Ramilo.

Ipnagbabawal ng barangay ang pagpasok sa minahan matapos mapag-alamang iligal ang  operasyon nito. —LBG, GMA Integrated News