Nasawi ang isang 82-anyos na lola matapos masagasaan ng truck sa Santo Tomas, La Union, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes mula sa GMA Regional TV One North Central Luzon.

Kinilala ang biktima na si Loreta Sauquillo, na naisugod pa sa ospital ngunit hindi na umabot nang buhay.

Nakipag-areglo na raw ang driver ng truck sa pamilya ng biktima at nangako itong sasagutin ang pagpapalibing sa lola. —Jamil Santos/KBK, GMA Integrated News