Patay ang isang lalaki matapos umanong masagasaan ng tren sa Oas, Albay.

Kinilala ang biktima na si Francis Remulacio, isang construction worker, ayon sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Martes.

Nangyari ang insidente sa Barangay Bagumbayan.

"Siguro, ang pagkakaalam ko 'to, nakatulog 'to doon na sa gitna siguro ng riles kasi nasa gitna talaga siya... Ang tama niya, Sir,... bali-bali 'yung paa," kuwento ni Punong Barangay Jojie Rebancos.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. —KG, GMA Integrated News