Isang alagang baboy sa Virac, Catanduanes ang natagpuang patay at nawawala ang dalawang pata, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Batay sa kuwento ng may-ari, nakita na lang niyang puro dugo ang alagang baboy sa kulungan na tila raw hinataw sa ulo.

Tuluyan nang kinatay at ibinenta ang baboy.

Bukas naman daw ang may-ari na makipag-areglo sa kung sino man ang pumutol sa mga pata ng kaniyang baboy. —KBK, GMA Integrated News