Apat na magkakaanak ang nasawi matapos silang makulong sa nasunog nilang bahay sa Balanga City, Bataan.

Sa ulat ng  GMA News 24 Oras Weekend nitong Linggo, sinabing kabilang sa mga nasawi ang isang batang babae na tatlong-taong-gulang lang.

Ayon sa mga bumbero, hindi nakalabas ng bahay ang mga biktima dahil naka-lock ang bakal na pinto at may grills ang mga bintana nito.

Inaalaman pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog pero may impormasyon na posibleng nagmula ang apoy sa napabayaang kandila na may sindi dahil wala umanong kuryente sa bahay.-- FRJ, GMA Integrated News