Nahuli sa akto ng isang mister ang pangangaliwa ng kaniyang misis nang mahuli niya ito sa akto na may kasamang ibang lalaki sa loob ng kuwarto ng isang motel sa Cebu CIty.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak nitong Biyernes, sinabing humingi ng tulong sa mga pulis ang mister nang makita niya ang kaniyang misis na pumasok sa isang motel sa Barangay Mambaling na may kasama na ibang lalaki nitong Huwebes ng hapon.

Nang mabuksan na ang kuwarto, nakita umano ng mister at ng mga pulis na magkatabi sa kama ang babae at ang lalaki.

Inaresto ng mga awtoridad ang misis at kasama nitong lalaki na mahaharap sa reklamong pangangalunya.

Wala pang pahayag ang ginang at ang lalaki, ayon sa ulat. --FRJ, GMA Integrated News