Nasawi ang isang lola matapos pagsasaksakin ng kaniyang 19-anyos na apo dahil umano sa hindi nila pagkakaunawaan sa cellphone sa Bacolod City.

Sa ulat ni Fe Marie Dumaboc ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing naganap ang insidente sa Barangay Pahanocoy.

Isinalaysay ng anak ng biktima at ina ng suspek na posibleng nagalit ang suspek at sinaksak ng kutsilyo ang lola nang hindi magkaintindihan sa cellphone.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang lola.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa reklamong parricide.

Hindi nagbigay ng kaniyang panig ang suspek.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News