Nag-aanyaya ang Antipolo Diocese sa mga Katoliko na makiisa sa kanilang Alay Lakad 2025, kung saan target na makapagtala ng Guinness World Record para sa "Largest Gathering for a Walking Spiritual Pilgrimage in 12 Hours."
Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing mag-uumpisa ang Alay Lakad 6 p.m. ng Huwebes Santo, hanggang sa makarating sa Antipolo Cathedral ng 6 a.m. ng Biyernes Santo.
Batay sa datos ng pulisya, umabot sa 7.4 milyon na deboto ang nakibahagi sa Alay Lakad noong isang taon.
Sinabi ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na inaasahang tataas pa ang bilang ng mga deboto ngayong taon. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News