Nasawi ang isang tricycle driver at pasahero niyang anim na taong gulang na batang babae matapos na salpukin ng isang pickup ang sinasakyan nilang tricycle sa Davao City.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Martes, sinabing lumabas sa ulat ng pulisya na binabagtas ng pickup driver ang pakurbang bahagi ng kalsada nang mawalan ito ng kontrol at tumama sa kasalubong na tricycle.
Dead on the spot ang tricycle driver, habang nasawi sa pagamutan ang batang babae.
Sugatan ang anim na iba pa, kasama ang dalawang bata.
Sumuko ang pickup driver, na mahaharap sa kaukulang reklamo.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News