Patay na nang makita ng kamag-anak ang isang 11-anyos na babae na nasa loob ng kuwarto ng kanilang bahay sa Barangay Matilo, Nabunturan, Davao de Oro.
Sa ulat ni Ricky Banggat ng Super Radyo Davao nitong Martes, inihayag umano ng pulisya na ang nakatatandang kapatid ang nakadiskubre sa bangkay ng biktima na nakatalukbong ng kumot sa loob ng kuwarto.
May malaking hiwa umano sa leeg ng dalagita at hinihinalang pinagsamantalahan.
Ang 27-anyos na kinakasama ng tiyahin ng biktima ang lumilitaw na suspek na naaresto sa isinagawang hot pursuit operation.
11-anyos na babae, natagpuang patay at may malaking hiwa sa leeg sa loob ng isang bahay sa Brgy. Matilo sa Nabunturan, Davao de Oro; biktima, hinihinalang pinagsamantalahan; suspek, arestado. | via Ricky Banggat, Super Radyo Davao pic.twitter.com/WnXFddcvLw
— DZBB Super Radyo (@dzbb) April 29, 2025
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at kukumpirmahin sa awtopsiya kung inabuso ang dalagita. --FRJ, GMA Integrated News