Ilang nanonood sa isang concert sa Santiago City, Isabela ang nasaktan matapos mabagsakan ng malaking LED wall sa kalagitnaan ng kasiyahan nitong Lunes ng gabi.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Miyerkoles, sinabing ang concert ay bahagi ng Balamban Festival ng lungsod.

Hindi binanggit ng awtoridad ang eksaktong bilang ng mga mabagsakan ng LED wall na hinihinalang dulot ng malakas na hangin.

Kaagad namang sinaklolohan ng medical teams security task group ng Isabela ang mga biktima. -- FRJ, GMA Integrated News