Naaresto ang tatlong wanted sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite at Batangas nang matiktikan ng mga awtoridad ang kanilang paglutang noong araw ng eleksyon para gamitin ang kanilang karapatan na bumoto.Sa ulat ni John Consulta sa GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules, nadakip ang mga suspek sa kani-kanilang voting precincts.Ang suspek na wanted sa kasong carnapping, nadakip ng mga pulis matapos bumoto sa Bacoor, Cavite.“Itong suspek na ito ay may kasong carnapping. Noong election day nga, mayroong impormante na nagsabi na ang suspek na ito ay boboto….Pagkatapos bumoto ay kanila nang hinuli,” ayon kay Calabarzon Police Director Brigadier General Paul Kenneth Lucas.Tinangka pa ng suspek na tumakas pero hindi rin siya nakaligtas sa mga awtoridad.Sa isang pang operasyon sa Bacoor, nakatanggap naman ng impormasyon ang regional police na isang suspek na wanted sa kasong illegal drugs ang boboto rin sa isang polling precinct.Kaagad na nadakip ang suspek at hindi na nagawang makaboto.Sa Tanauan, Batangas, naman naaresto ang isa pang wanter sa kasong violence against women and children.Sinisikap pa ng GMA Integrated News na makuhanan ng pahayag ang tatlong dinakip na pawang nakadetine sa Camp Vicente Lim. — FRJ, GMA Integrated News