Nagtamo ng mga sugat ang isang lalaki at kaniyang kinakasama matapos pagtatagain ng kaniyang kuya dahil umano sa away sa social media post sa Samboan, Cebu.Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Martes, sinabi ng pulisya na naganap ang insidente Biyernes ng gabi kung saan lumalim umano ang alitan ng magkapatid.Nagtamo ng sugat sa pisngi ang biktima, samantalang tinamaan sa ulo ang kaniyang kinakasama na tinangkang pumagitna noon sa magkapatid.Parehong nagpapagaling ang dalawa sa ospital.Sumuko naman ang suspek, na nahaharap sa kaukulang reklamo. Hindi siya nagbigay ng pahayag.Hindi na nagbigay ng detalye ang mga awtoridad tungkol sa pinagtalunang social media post. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News