Nasawi ang parehong driver ng bus at truck matapos magsalpukan ang dalawang sasakyan sa Maharlika Highway Polangui, Albay.Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Balangibang, kung saan pumasok sa kabilang linya ang truck na patungong Legaspi at sumalpok sa bus, base sa imbestigasyon.Nagtamo naman ng mga sugat ang ilang pasahero ng bus. —Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News