Kritikal ang lagay ng isang rider na mabilis ang pagpapatakbo matapos siyang bumangga sa isang kotse ang minamaneho niyang motorsiklo sa Midsayap, Cotabato.
Sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, sinabing naganap ang insidente sa intersection ng Barangay Poblacion 3.
Tumilapon ang rider na kritikal ang lagay matapos magtamo ng head at body injuries.
Ligtas naman ang driver ng kotse.
Hinihintay naman ng mga awtoridad kung posibleng magkaareglo ang dalawang panig.
Sinusubukang kunan ng pahayag ng GMA Regional TV ang dalawang kampo.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News
