Nasawi ang isang 33-anyos na lalaki na sinusubukang abutin ang kable ng bentilador matapos siyang makuryente sa Balungao, Pangasinan.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabi ng pulisya na naganap ang insidente sa pinagtatrabahuhang manukan ng biktima.

Ang mga katrabaho ng lalaki ang nagsalaysay sa mga awtoridad sa nangyari sa insidente.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga kaanak ng lalaki at may-ari ng manukan. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News