Nasawi ang isang driver matapos mahulog sa bangin ang minamaneho niyang concrete mixer truck sa Dipaculao, Aurora.

Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na nawalan ng preno ang sasakyan. 

Dead on the spot ang driver samantalang sugatan ang pahinante.

Sinusubukan pang kunan ng panig ang pamilya ng mga biktima. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News