Nasawi ang isang babaeng angkas ng motorsiklo nang pumailalim siya sa truck na nakasagi sa kaniya sa Mandaue City, Cebu.
Sa ulat ng GMA Regional TV, na iniulat din sa Unang Balita nitong Miyerkoles, mapanonood sa video na sinusubukan ng rider ng motorsiklo na matanggal ang kaniyang babaeng angkas mula sa pagkakaipit sa truck, at tinulungan din siya ng ibang motorista.
Nadala pa sa ospital ang babaeng biktima ngunit pumanaw din kalaunan.
Lumabas sa report ng Mandaue Traffic Police na nasagi ng truck ang motorsiklo, na nasa kaliwa nito noon.
Naka-impound na ang truck at nasa kustodiya na ng traffic police ang driver. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
