Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Office (LTO) ang isang rider na mala-superhero na dumapa habang tumatakbo ang kaniyang motorsiklo sa Salvador Benedicto, Negros Occidental.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Miyerkoles, mapanonood ang nahuli-cam na rider na ginagawa ang peligrosong stunt.

Natukoy na ng LTO ang rider sa video at pinagpapaliwanag tungkol sa insidente.

Inaalam din kung pagmamay-ari niya ang motorsiklo na kaniyang ginamit sa ipinagbabawal na eksibisyon.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang rider. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News