Nasawi ang isang municipal engineer matapos siyang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang gunman sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, lumabas sa imbestigasyon na pauwi na ang lalaking biktima sakay ng pickup nang pagbabarilin.
Isang municipal engineer ng bayan ng Shariff Saydona Mustapha ang biktima.
Patuloy na inaalam ang motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin. – Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News
