Nasawi ang isang 23-anyos na ginang na siyam na buwang buntis nang mabagsakan ng puno ng niyog habang naglalakad sa Malita, Davao Occidental.

Sa ulat ni Rgil Relator sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Biyernes, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Ticulon. Hindi rin nakaligtas ang sanggol sa kaniyang sinapupunan, pati ang isang aso.

Ayon sa responder ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na si Gio Bandayanon, naglalakad pauwi ang ginang nang biglang matumba ang puno.

Hindi naman umano masyadong mahangin nang matumba ang puno na isang mataas na Centennial coconut tree.

Isinugod ang biktima sa ospital pero binawian din ng buhay dahil sa tinamong matinding pinsala sa katawan at ulo.—FRJ, GMA Integrated News