Humandusay sa daan ang katawan ng isang 30-anyos na mekaniko matapos siyang pagbabarilin sa Barangay Batangan, Valencia City, Bukidnon.
Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao nitong Biyernes, sinabi ng awtoridad na nasa 15 tama ng bala ng baril ang tinamo sa katawan ng biktima, na residente ng San Fernando.
Ayon sa pulisya, posibleng kilala ng biktima ang suspek dahil nakita pa umanong magkausap ang dalawa bago mangyari ang pamamaril.
Tumakas ang suspek ang matapos ang pamamaril.
Ilang anggulo ang tinitingnan ng mga awtoridad na motibo sa krimen, kabilang ang ilegal na droga, third party relationship, at iba pa. – FRJ, GMA Integrated News
