Walo ang patay at isa ang kritikal sa salpukan ng isang truck at dalawang passenger van sa Aurora, Isabela kaninang umaga.

Ayon sa ulat ni JP Soriano sa 24 Oras Weekend, patungo sa Santiago City ang truck nang pumasok ito sa kabilang linya at sumalpok ang isang van. Nasalpok naman ng van ang isa pang van na kasunod nito.

Walo ang patay sa pangalawang van, kabilang ang driver nito. Dalawa ang sugatan at isa ang comatose.

Tumangging bumigay ng pahayag ang driver ng truck, na hawak na ng pulisya. — BM, GMA Integrated News