Patay na nang makita sa loob ng kaniyang sasakyan ang isang taxi driver sa Baguio City.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Biyernes, sinabing batay sa imbestigasyon ng pulisya, isang security guard ang unang nakakita sa driver.

Nagsasagawa umano ng routine check sa lugar ang guwardiya nang mapansin niya ang driver na natutulog sa loob ng nakaparadang taxi.

Kinatok ng security officer ang taxi ngunit hindi nagigising ang driver, dahilan para tumawag na siya ng emergency medical service.

Sinabi ng mga awtoridad na taga-Pico sa La Trinidad, Benguet ang driver.

Ayon sa asawa ng driver, may history ng mild stroke ang kaniyang mister at umiinom ng gamot para sa hypertension.—Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News