Kinagiliwan ng netizens ang isang aso na sa sobrang pagka-clingy, hinabol ang isang babaeng angkas ng motorsiklo sa Barili, Cebu.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, mapanonood ang Tiktok video ng asong si Paak, na ayaw magpaiwan sa isang umaandar na motorsiklo.

Kalaunan, hindi kinaya ng stamina ni Paak ang takbuhan kaya tila “left behind” ang aso.


Ayon sa uploader, alam niyang hindi siya kakagatin o aatakihin ni Paak, kundi sadyang mapaglaro lamang ito at ang isa pang aso na kasama niya.

Tuta pa lamang daw si Paak nang iwan sa lugar at walang nagmamay-ari sa kaniya. Gayunpaman, napamahal na siya sa mga residente sa lugar at lumaki bilang isang community dog. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News