Dalawang bangkay ng babae ang nakitang may tama ng bala ng baril sa gilid ng highway sa bayan ng Palauig sa Zambales ngayong Huwebes, August 14.
Sa ulat ni Mark Makalalad sa Super Radyo dzBB, sinabi ng pulisya na dakong 6:00 am nang makita ng mga dumadaan ang bangkay ng dalawang babae sa Barangay Salaza.
FLASH REPORT: Dalawang babae na may tama ng bala, natagpuang patay sa gilid ng kalsada sa Palauig, Zambales ngayong umaga. | via @MMakalalad pic.twitter.com/gkPc0S6Xbw
— DZBB Super Radyo (@dzbb) August 14, 2025
Sa paunang imbestigasyon, inihayag umano ng isang residente ang nakarinig ng isang sasakyan na matulin na dumaan sa lugar kaninang madaling araw.
Makalipas ang ilang minuto, may nadinig na umanong mga putok ng baril.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng bala mula sa kalibre .45 na baril.
May nakita rin umanong mga plastic sachet na walang laman, lighter at iba pang personal na gamit ng mga biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente. – FRJ GMA Integrated News

