Nasawi ang isang tricycle driver matapos siyang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Irosin, Sorsogon.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Biyernes, sinabi ng pulisya na naghihintay ng pasahero ang biktima sa paradahan sa Barangay Monbon nang mangyari ang krimen.
Tinamaan ang biktima sa iba't ibang bahagi ng katawan na agad niyang ikinamatay.
Isa pang tricycle driver ang tinamaan din ng bala sa kamay at dinala sa ospital.
Patuloy na inaalam ang motibo sa krimen, at ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
Tricycle driver, patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Sorsogon; 1, sugatan
Setyembre 12, 2025 6:23pm GMT+08:00

