Nahulihan ng mga kutsilyo, itak, at iba pang kontrabando ang hindi bababa sa 50 estudyante nang magsagawa ng random inspection ang pulisya sa kanilang paaralan sa Pototan, Iloilo.
Sa ulat ni Raffy Tima sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing nakakuha ang pulisya ng impormasyon na may mga kabataang nagpupuslit ng mga ipinagbabawal na gamit sa campus.
Balak ng mga awtoridad na makipag-ugnayan sa mga magulang para isailalim sa counseling ang mga estudyante.
Sinabi ng Schools Division of Iloilo, malaking bagay ang police visibility sa mga eskuwelahan para dagdag seguridad. — Jamil Santos/VBL GMA Integrated News
