Nasawi ang isang rider nang magkabangaan ang isang Asian utility vehicle o AUV at ang kanyang minamanehong motorsiklo sa Cainta, Rizal nitong Linggo ng madaling araw.
Nangyari ang aksidente sa Felix Avenue, ayon sa ulat ni Olan Bola sa Super Radyo dzBB.
PANOORIN: Isang rider, nasawi sa aksidente sa Cainta, Rizal ngayong madaling araw. | via @olanbola pic.twitter.com/mknzPrlq6d
— DZBB Super Radyo (@dzbb) September 27, 2025
Sa tindi ng banggaan ay halos madurog na ang motorsiklo.
Basag naman ang windshield at isang headlight ng AUV.
Iniimbestigahan na ng mga pulis ang insidente. —KG GMA Integrated News
