Patay ang isang babaeng negosyante matapos siyang pagbabarilin ng mga salarin na nakasakay sa motorsiklo sa Ampatuan, Maguindanao del sur.

 Sa ulat ng GMA Regional TV sa GTV News Balitanghali nitong Lunes, sinabing naglalakad sa kaniyang gas station sa Barangay Kamasi ang biktima nang lapitan siya ng mga salarin.

Lapitang binarilin ang biktima na dead on the spot dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ulo, dibdib at likod.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin. – FRJ GMA Integrated News