Nasawi ang isang mag-ina na sakay ng motorsiklo nang masalpok sila ng isang kotse sa Cabugao, Ilocos Sur.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, sinabing nangyari ang insidente sa bahagi ng Barangay Pugos noong Biyernes.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na sinakop ng kotse ang linya ng motorsiklo na dahilan nang salpukan ng dalawang sasakyan.

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mag-ina na dahilan ng kanilang pagkasawi.

Nasugatan din ang driver ng kotse at dinala sa ospital pero wala pa siyang pahayag.

Samantala, sinusubukan pang makuhanan ng pahayag ang mga kaanak ng mag-ina, ayon sa ulat.—FRJ GMA Integrated News