Pinagkaguluhan ng mga mamimili ang isang bigating tuna na aabot sa 360 kilo na nalambat sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing isa itong giant blackfin tuna na nahuli sa dagat na sakop ng Barangay Davila.

Sinabing tatlong bangka ang humila sa dambuhalang tuna para mabitbit sa baybayin.

Ayon sa mga residente, ngayon lamang sila nakahuli ng ganitong tuna.

Pinagtulungan itong buhatin ng mga residente, at agad maraming mamimili ang nagkagulo para sa isda. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News