Sa ulat ng GMA Regional TV sa Unang Balita nitong Miyerkoles, mapanonood na sumemplang din ang traffic enforcer at nadaganan pa ng kaniyang motorsiklo.
Tinulungan ng mga nanood sa karera ang traffic enforcer.
Batay sa Angeles City Information Office, walang malubhang nasaktan sa insidente at nagka-areglo na ang kutsero at traffic enforcer.
Ang karera ng mga kabayo ay bahagi ng taunang pagdiriwang ng Fiestang Kuliat sa siyudad.
Ngunit ayon sa Animal Kingdom Foundation, hindi na dapat hinihikayat ang ganitong klaseng aktibidad na posibleng ikapahamak ng mga hayop. Sinisikap pang kunan ng reaksyon ang organizer ng aktibidad at ang LGU. —Jamil Santos/ VAL GMA Integrated News
