Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang 23-anyos na babaeng rider matapos siyang sumalpok sa nakasalubong na van sa Cauayan City, Isabela.

Sa ulat ni CJ Torida sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Miyerkoles, sinabi ng pulisya na binabagtas ng rider ang kalsada sa Barangay Sta. Luciana, nang mawalan ito ng control manibela.

Mabilis umano ang takbo ng motorsiklo nang sumalpok ang biktima sa van, at hindi na umabot nang buhay sa ospital.

Wala pang pahayag ang driver ng van at kaanak ng biktima, ayon sa ulat. –FRJ GMA Integrated News