Pumanaw ang isang lalaking kritikal matapos sumabog ang isang ilegal na pagawaan ng mga paputok sa Barangay Tebeng, Dagupan City.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing halos tatlong araw nanatili sa ospital ang biktima na nagtamo ng full thickness burn matapos ang pagsabog.

Hindi nagbigay ng pahayag ang mga kaanak ng biktima.

Batay sa datos ng Barangay Council, nadamay sa pagsabog ang 48 na bahay.

Sineguro naman ng operator ng ilegal na pagawaan na tutulungan ang lahat ng mga nadamay sa pagsabog. — Jamil Santos/BAP GMA Integrated News