Sa ulat ng Unang balita nitong Huwebes, sinabi ng pulisya na hinostage ng suspek ang tatlong biktima sa inuupahan nilang bahay sa Barangay Quipot nitong Miyerkoles.
Kalaunan, nakipagkasunduan umano ang suspek sa pulisya na pakakawalan niya ang mga biktima kung papayagan siyang umalis sakay ng tricycle.
Pagkasakay niya ng tricycle, nagkaroon ng pagkakataon ang pulisya na banggain ang tricycle at madakip ang lalaki.
Nasagip naman ang tatlong mag-iina, na nasa maayos nang lagay.
Hindi nagbigay ng pahayag ang suspek, habang inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo niya sa pangho-hostage. —Jamil Santos/ VAL GMA Integrated News
