Nasawi ang isang 17-anyos na buntis matapos umanong saksakin ng kaniyang 21-anyos na asawa sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao nitong Lunes, sinabing nadakip ng mga awtoridad ang suspek sa hot pursuit ilang oras matapos mangyari ang krimen noong Linggo sa Barangay Pinaring.
Ayon sa pulis, nakatanggap muna sila ng impormasyon na may domestic violence na nangyayari sa lugar bago mangyari ang pananaksak.
Ngunit pagdating nila sa lugar, duguan na ang biktima at may mga saksak.
Isinugod pa ang biktima sa ospital pero hindi na umabot nang buhay.
Patuloy na iniimbestigahan ang insidente at inaalam kung bakit pinatay ng lalaki ang biktima.—FRJ GMA Integrated News
