Isang delivery rider na maghahatid ng parcel ang hinoldap ng riding-in-tandem sa Panitan, Capiz. Ang P10,000 niya na kita, kinuha.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing lumabas sa imbestigasyon na magde-deliver lang ang 29-anyos na biktima ng parcel sa Barangay Pasugue.

Nakasunod sa kaniya ang mga suspek na sakay ng motorsiklo at tinutukan siya ng baril.

Bukod sa kaniyang kita, natangay din ng mga salarin ang kaniyang cellphone at isang parcel.

Patuloy pang tinutugis ang riding-in-tandem.—Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News