Isang aso ang nakitang may nakabaon na matulis na bagay sa likod nito sa Iloilo City.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing ilang residente ang nakakita sa aso.
Dahil dito, humingi sila ng tulong sa ilang animal welfare groups para makuha upang magamot ang aso.
Isinailalim ang aso sa operasyon at nakuha ang malasibat na may habang 10 pulgada.
Hindi pa rin nakikilala kung sino ang posibleng may gawa nito sa aso, na kasalukuyang nagpapagaling. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News
