Napahiga ang isang kabayo matapos itong itali sa isang umaandar na pickup para tumakbo sa Gingoog, Misamis Oriental. Depensa ng driver, paraan niya ito para ma-exercise ang kabayo, bagay na inalmahan ng animal rights group.
Sa ulat ng Balitanghali nitong Miyerkoles, mapanonood ang video ng pag-andar ng pickup habang nakatali rito ang kabayo sa kalsada.
Ayon sa uploader, tumigil kalaunan ang pickup at napahiga ang kabayo.
Nilinaw naman ng driver na hindi namatay ang kabayo kundi paraan niya ito para ma-ehersisyo ang kabayo.
Kinondena ng Philippine Animal Welfare Society ang pagtrato sa kabayo.
Nananawagan ang grupo sa mga saksi sa insidente na mag-report sa mga awtoridad para masampahan ng reklamo ang driver.
Sinusubukan pang kunan ng panig ang driver ng pickup. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News
