Sugatan ang isang siklista nang mahulog siya sa bangin matapos dumaan sa pakurbang bahagi ng Ternate-Nasugbu Road sa Ternate, Cavite.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, mapanonood sa video na pumapadyak ang siklista sa pakurbang bahagi ng nasabing kalsada nitong Linggo nang bigla siyang sumalpok sa barrier at nahulog sa bangin.

Tumilapon sa kalsada ang bisikleta ng biktima.

Humingi ng saklolo ang motoristang nakasaksi sa aksidente.

Sinabi ng pulisya na ligtas na ang siklista ngunit nagtamo ng mga sugat sa katawan. —Jamil Santos/VBL GMA News