Dalawang bata na mga edad apat at 12 ang nasawi matapos mahulog ang sinasakyan nilang tricycle sa gilid ng kalsada na nasa 30 talampakan ang lalim sa Mataasnakahoy, Batangas.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, sinabi ng pulisya na nawalan ng preno ang tricycle sa matarik na bahagi ng kalsada sa Barangay Kinalaglagan, bago ito sumalpok sa bakal na barikada at mahulog sa gilid ng kalsada.

Sugatan naman ang kaanak nilang driver at limang iba pang pasahero.

Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. —Jamil Santos/VBL GMA News