Patay ang tatlong sakay ng isang minivan sa Rodriguez, Rizal, matapos itong natumbok ng kasalubong na dump truck, ayon sa isang ulat sa “24 Oras Weekend” nitong Sabado.
Ayon sa Rodriguez Police, nag-overtake ang truck at sa lakas ng salpukan, dead on arrival ang tatlong pasahero ng nakasalubong na minivan.
Sugatan naman ang driver ng truck at ang isa pang sakay nito na nasa kritikal na kondisyon.
Hawak na ng pulisya ang driver. Mahaharap siya sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide with physical injury and damage to property. —Lyjah Tiffany Bonzo/VBL GMA News
