Patay ang isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) at ang kaniyang live-in partner na magsasaka matapos silang pagsasaksakin sa kanilang bahay sa Baragay Pias sa Villasis, Pangasinan.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, sinabing 40-anyos ang OFW, habang 42-anyos naman ang kaniyang lalaking live-in partner.

Suspek sa krimen ang 47-anyos na magsasaka na siyang dating kinakasama ng OFW, ayon sa pulisya.

Lumabas din sa imbestigasyon na natutulog ang mga biktima nang mangyari ang krimen.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa krimen, at pagtugis sa tumakas na salarin.

Hustisya naman ang panawagan ng mga kaanak ng mga biktima.—FRJ GMA News