Isang 12-anyos na lalaki ang nasawi matapos mabagsakan ng natumbang puno sa kasagsagan ng ulan sa Barangay Tamugan sa Davao City.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao nitong Martes, inihayag ng Davao City Police Office (DCPO), na batay sa salaysay ng tiyahin ng biktima, nasa laban ang kaniyang pamangkin noong Sabado nang matumba ang puno ng ipil-ipil.

Naniniwala ang mga awtoridad na nabunot ang ugat ng puno dahil s amalakas na ulan na may kasamang malakas na hangin nang sandaling iyon.

Kaagad na nasawi ang bata dahil sa matinding pinsala sa katawan na kaniyang tinamo. Sinusubukan pang makuhan ng pahayag ang pamilya ng biktima, ayon sa ulat.—FRJ GMA News