Nagluluksa ngayon ang Kapuso actress na si Ashley Rivera sa pagpanaw ng kaniyang butihing ina na nakipaglaban sa sakit na cancer.
Sa Instagram Stories, nagbahagi ang aktres ng larawan ng kaniyang ina.
"No more pain, Ma," saad ni Ashley sa post. "May your heart and soul find peace and comfort."
"I miss you so much. I love you forever," dagdag niya.
Sa isa pang IG Story, makikita ang larawan habang hawak niya ang kamay ng kaniyang ina.
"I'm gonna miss holding your hand, Ma," ani Ashley.
Nitong nakaraang Abril nang ilahad ni Ashley ang pakikipaglaban ng kaniyang ina sa sakit na cancer.
"[Our] dear mama bear is doing fine. She's still fighting and we're celebrating our small wins every single day!" sambit ni Ashley sa isang update.
BASAHIN: Ashley Rivera sa laban ng kaniyang ina sa cancer: 'Hindi ko dapat pinapakita na umiiyak ako'
Ibinahagi rin niya na kailangan niyang magpakatatag para sa kaniyang ina kahit labis ang nararamdaman niyang kalungkutan. —Nika Roque/FRJ GMA News

