Tatlong menor de edad na nangunguha ng mga kabibe sa baybayin sa Laguna de Bay ang nasawi matapos malunod.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Martes, inilahad ng mga kaanak ng mga biktima na nagkayayaan ang mga kabataang edad 3, 6 at 12-anyos na manguha ng mga kabibe sa baybayin ng naturang lawa.

Kalaunan, napunta ang mga bata sa isang malalim na hukay sa lugar.

Natagpuang magkayakap ang 3 at 12 anyos, samantalang nakita ang kasamahan nila limang metro ang layo.

Sinabi ng mga opisyal ng barangay na may hinukay sa lugar noon at hindi pa naaayos.

Patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa naghukay para solusyunan ang problema. – Jamil Santos/FRJ GMA News